About

Peti-B nalang ang itawag mo saken, o di kaya petib.

Di rin ako ang nagbigay ng ganung palayaw sa sarili ko. Ni di ko alam na yun pala ang tawag saken. Nabasa ko lang ke Marx na ako pala eh peti-b, ang bansag niya sa uri ng tao na nasa pagitan ng lipunan. Di raw ako kasing-yaman at kasing-sakim ng mga kapitalista, pero di rin kasing-api ng mga mahihirap.

Ako’y guro, mag-aaral, nag-oopisina, nagtatatrabaho. Ayokong maging specific tungkol sa buhay ko, para naman may onting mystery diba. Nagsastarbucks ako, nagfo-Foursquare, nagmi-milk tea, at umaalis alis din sa kung saan saang beach at piyesta kahit papano. Totoo nga yung sabi nila na masarap pag medyo bata pa, may pera kasi nagtatrabaho, at nagagawa mo ang mga bagay-bagay na gusto mong gawin sa buhay. At dahil may napag-aralan din naman ako (nakapagtapos ako sa isang sikat na university dito sa Manila), me kuro-kuro din ako tungkol sa balita at ibang bagay sa Pinas.

Naisip ko lang na gusto kong gumawa ng blog para may mapaglagyan ako ng mga kwento at mga opinyon ko. Kaya eto. Salamat sa pagdaan. Comment kayo sa posts ko! Lamats.

sent from my iPhone, di ko gaanong mahabaan kasi walang wifi at mahal ang mobile internet surfing.

Mag-comment ka lang, libre naman

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s