Million-man middle

million man march luneta madsaiyantist flickrPupunta naman sana talaga akong Luneta kanina. Holiday naman, at lagi ko namang pinapagod ang sarili ko lately, kaya inisip kong di na muna pumasok. Tsaka syempre ayoko rin sanang palipasin ang paminsan-minsang pagkakataong magpaka-socially aware, at hindi lang sa pamamagitan ng pagsheshare ng mga news articles sa Facebook.

Kaya lang medyo late na akong nagising. Pagkagising ko gumulong-gulong muna ako sa kama (sarap humiga, eh) saka kinalculate kung anong oras ako makakarating sa Luneta. Ligo, plus prepare, plus commute, baka kako mga ala una na rin ako makakarating, so wala na ako masyadong maaabutan.

Ayun, di nalang ako bumangon. Nanood nalang ako ng mga bagong TV series sa laptop.

Pero anyway, ang point naman ng post na ito ay para magcomment tungkol sa #MillionManMarch (oo,  hashtag talaga dapat). Nakakatuwa kasi yun kasi itong mga pumunta ng Luneta kanina ay hindi naman usually pumupunta ng mga rally. Amazing isipin na kaya rin pala nating magkaisa bilang middle class.

Ang tanong nga lang ay kung para saan tayo nagkakaisa? Kanina pumunta sila kasi galit sila sa pork barrel scam. Kung malaki nga naman ang kaltas ng buwis mula sa monthly paycheck mo, talagang magagalit ka kung ipambibili lang ito ng Louis Vuitton bags ng ibang tao. Galit tayo kasi si Napoles, hindi nya pinaghirapan ang yaman nya, e tayo, overtime pa rin ng overtime, hanggang Samsung Galaxy S4 lang ang susyalin-ness level ng mga binibili natin.

Come to think of it, ito rin naman ang dahilan kung bakit indifferent tayo sa mga nagrarally laban sa relocation. Isa pa kasing issue yun recently. Sabi pa ni Bianca Gonzales, bakit bine-baby ang squatters e grabeng tax ang binabayaran nya? Galit tayo kasi sa tingin natin, hindi sila deserving na tulungan ng gobyerno. Ikaw, kailangan mong makisiksik sa MRT kapag na-coding ang sasakyan mo; puwes, paalisin yang mga squatter na yan at ilipat sa malayong lupalop ng Mega Manila.

In short, ang dahilan ng pagkagalit natin sa mga squatters ay siya ring dahilan kung bakit tayo nag-rally sa Luneta: yung interes lang natin ang isinasa-isip natin. Ngayon, nag-surrender na si Napoles at sabi ni PNoy, ayaw na niya sa pork barrel. Solb na tayo, diba? Ok na. Back to daily life.

Edi sana di nalang tayo pumuntang Luneta, namalagi nalang sana tayo sa bahay, nag-Facebook at nag-torrent ng bagong pelikula.

Sent from home. Pasok na naman bukas. Props kay Mad Saiyantist sa Flickr para sa CC-licensed picture.

Gustong magsulat

Medyo matagal tagal na rin akong napapraning dito. May gusto akong isulat, di ko magawa kasi pag binubuksan ko ang WordPress at nagsisimulang mag-type, nauubusan ako lagi ng masasabi at tina-trash ko nalang ang draft ko.

Siguro nga may mga bagay na hindi na kailangan pang isulat. Yun na yun; ano pang kailangang idagdag?

Gateway to Hell

Ayan, galit na naman ang buong Pilipinas kasi may nagsulat na naman ng masama tungkol sa atin. Tinawag ni Dan Brown na “gateway to Hell” ang Manila sa pinakabago niyang nobela. Siyempre, dahil nakataya ang dangal at collective bayag ng ating bansa, walang pag-aatubili ang pag-atake ng mga tao sa mga pinagsasabi ni Mr. Brown.

Naaalala ko tuloy yung nangyari dati sa late-night talk show ni David Letterman. Hindi ko na maalala kung sino yung guest niya at tinatamad na akong i-google so kung gusto mo talagang makuha yung mga detalye, GMG nalang. Basta, ang naaalala ko dun, nagbiro yung guest tungkol sa “Filipino mail-order bride.” Siyempre offended ang sangkatauhan. Ayaw na ayaw nating tinatawag na bansa ng mga susyaling puta.

Pero, ika nga ng iba, yung mga Russian hindi naman nagagalit pag may nababanggit na “Russian mail-order bride” sa media. Mas madalas ko pa ngang marinig yun kesa sa Pinoy version, eh. Anong problema nating mga Pinoy? At isa pa, ang kapal ng mukha nating magalit kahit alam naman nating mayroong katotohanan ang pinagsasabi tungkol sa atin. Hindi nga ba’t uso na uso pa rin ngayon sa mga Pilipina ang maghanap ng puting jowa sa mga chatrooms sa Internet sa pag-asang sasagipin siya mula sa hirap ng kaniyang knight in shining armor? Wag ka, alam kong may nakita ka na sa mall na kayumangging babae na may ka-holding hands na matabang, matandang Kano. Alam ko kung anong naisip mo, kahit saglit lang. Wag kang mag-alala—naisip ko rin yun.

Ganun din yun kung ang pag-uusapan ay ang Manila bilang bungad ng impiyerno, noh. O, kung ayaw nyo ng impiyerno, edi purgatoryo. Alam nyo yung tinatawag na “skipping train” sa MRT? Yung mangangalahating oras ka nang nakapila ng maayos sa platform ng Quezon Avenue station pero di ka pa rin makasakay dahil sa ubod na siksikan na tren galing sa North Ave. Tapos biglang may makikita kang paparating na tren na bakanteng bakante—talagang walang laman—at mapapa-“Thank You, Lord” ka kasi akala mo makakasakay ka na. Tapos hindi siya hihinto. Didire-diretso lang, tila baga’y kinukutya ka.

Eh putangina, diba impyerno na rin yun kung tutuusin?

At oo, sa mga ganung eksena sa Maynila, wala kang maririnig kundi reklamo. Pag natrapik, magrereklamo. Kapag pinag-overtime ng boss, magrereklamo. Pag naubusan ng tickets sa showing ng Iron Man, iisipin, ano ‘to, impyerno? Buhay nga naman, oo, ganyan talaga sa Pilipinas, ika n’yo. Walang pinagbago, walang improvement. Mas mabuti nalang kamong bumalik nalang tayo sa panahon ni Marcos. At least noon, one is to one pa ang piso sa dolyar.

Pero, pag si Dan Brown na ang nagsabi na maraming puta at basura sa Maynila, nako, giyera na ito. Pati si MMDA Chairman Tolentino, napasulat sa publisher ni Dan Brown upang iwasto ang mali umanong pananaw niya tungkol sa Pilipinas. May hirit pa si Chair na, aba, hindi pa naman siya nakakapunta rito ha, ano bang alam niya? At entrance to heaven din daw ang Pilipinas. Aba, ang dami kaya naming mga simbahang Katoliko!

Hindi ko alam kung bakit ang hilig nating makipag-pataasan ng ihi sa ating sarili. Ang kinalabasan nito, ang sarili lang din nating amoy ang pumapanghi.

Surprise

Nakakagulat din ang mga bagay-bagay, noh. Nasa bus ako at nagchecheck ng Twitter nang mabasa ko yung tungkol kay Pope Benedict XVI. Magreresign na ang Santo Papa kasi di na niya kaya ang mga hingiin ng posisyon niya. Akalain mo yun, yung tumatayong representative ni Cristo sa lupa, biglang nagsabi ng, “awat na.”

At eto pa: nung gabi raw na pinaalam ng Papa sa mga cardinal ang desisyon niya, tinamaan daw ng kidlat ang St. Peter’s Basilica. Di naman siguro rare na matamaan ng kidlat yun. Medyo mataas din naman kasi ang cupola ng simbahan. Pero nakakabahala pa rin. Di nga ako makapaniwalang totoo eh, kasi nakunan pa talaga ng picture yung mismong pagtama ng kidlat. Ang biro nga ay di raw nagustuhan ng Langit ang ginawa ni Pope Benedict.

Tapos, ilang araw lang ang makalipas, may meteoroid naman na sumabog sa Russia. Buti nalang kamo at uso palang lagyan ng camear ang sasakyan doon, kaya andaming nag-upload ng video sa YouTube. As in kuhang kuha talaga yung pagsabog. Times 15 daw ng Hiroshima bomb ang lakas nung pagsabog. Isang libo rin ang na-injure dahil doon, ha, tapos ang daming nabasag na bintana.

Imaginin mo yun. Kunyari Russian ka. Nasa bahay ka lang, nagbabasa o naglalaptop. Napadungaw ka lang sa bintana, pagtingala mo may lumilipad na napakaliwanag na bilog (sasabihin ng Pinoy, higanteng santelmo, hehe), tapos bigla nalang sasabog. Nakakastress.

Anyway, kaya ko kinekwento kasi napaisip ako. Yung mga ganung bagay eh biglaan lang talaga. Wala naman talaga sigurong nag-xpect na biglang bibitiw sa pwesto ang lider ng mahigit isang bilyong Katoliko. Lalo namang hindi magpapaabiso ang isang lumilipad na bato bago siya pumasok sa atmosphere ng mundo natin.

Parang yung dulang “Waiting For Godot” ni Samuel Beckett. Napakasimple ng konsepto ng dulang yun. May dalawang lalaking gumagawa ng kung anu-ano para aliwin ang sarili nila habang hinihintay si Godot. (Etong si Godot, laging pinaguusapan ng dalawang tauhan pero never siyang lalabas sa play.) Allegory daw yun ng buhay, at si Godot daw ay sumasagisag sa kamatayan. Lahat ng ginagawa ng tao bago siya mamatay, pampalipas-oras lang. Shet, ang deep.

May mga namiss lang siguro na onting moments of excitement si Ginoong Beckett. Mas makatotohanan siguro ang akda niya kung dinagdagan niya ng paminsan-minsang sakuna, pag-aalburoto ng bulkan, pagccrash ng mga lumilipad na space rocks, at pagreresign ng mga representative ng langit.

Buti nalang at bata pa tayo, noh? Dapat habang may kalayaan at lakas pa tayo, gawin na natin ang lahat ng gusto natin, diba? Manood ng Sinulog, sumakay ng hot air balloon, mag-picture picture sa Singapore. Siyempre naman. Kung hindi ngayon, kailan pa?

Sabi ng iba, youth is wasted on the young. Di ako sang-ayon. Kung meron mang Dios na nagmamasid sa atin mula sa mga ulap, sigurado akong ito ang dahilan kung bakit niya binigyan tayong mga kabataan ng lakas ng pangangatawan at maraming pagkakataong magkapera at gumala—para magamit natin to live our lives to the fullest. At paminsan-minsan, nagpapadala siyang maliliit na hints (gaya ng umaapoy na bato at nagreresign na Santo Papa) para naman magulantang tayo. Hindi yung nakaupo lang tayo sa ilalim ng puno at hinihintay si Godot.

Sent from Greenbelt. Sarap ng McDo coke float.

*Salamat sa GMA News website para sa pic. Peace tayo.

UP Fair

ImageNag-UP Fair kami ng barkada kagabi. Last night ng fair. Masaya. Andun ang Sandwich, Gracenote, at si Rico Blanco.

Pang-ilang UP Fair ko na rin to. Ang dami nang nagbago. Andun pa rin yung mga jumping jologs at kung anu-anong mga booth, pero, ewan ko ba, iba yung vibe. Akalain nyo, P100 na nga ang ticket, at binebenta na thru Ticketworld. Kaya siguro nagmahal ang presyo. Ang bigat na nun sa bulsa ng mga studyante.

Ok sana kung pwedeng ibalik yung dating fair, noh? Yung di pa masyadong magarbo, chill chill lang. Ngayon sobrang commercialized na and all. Sabagay, ganun talaga siguro ang mga bagay-bagay.

Ayos lang din. Nakakamiss din ang UP Diliman. Ganda pa rin ng mga puno.

-Sent from Starbucks. Fuma-frap as usual.